PNoy on PAF 67th anniversary: new and upcoming hardware, modern fighter jets, protect sovereignty

President Aquino enumerated Philippine Air Force’s new and upcoming hardware during its 67th anniversary held at Clark Airbase.

“Kung dati nga po, iisa lang ang ating C-130, ngayon, mayroon na tayong tatlo na handang tumugon sa iba’t ibang sitwasyon at pagsubok. Bukod dito, lumapag na rin sa atin ang 18 basic trainer aircraft, walong Sokol combat utility helicopters, 20 upgraded na MD-520 MG helicopters, at ang apat sa binili nating 21 na UH-1 helicopters para sa inyong hanay. Inaasahan din nating dumating ang natitirang 17 units ng UH-1 helicopter ngayong taon.”

10505629_791073604258722_307437654358383156_n

“Dagdag pa rito, target nating bumili ng walong combat utility helicopters, dalawang long-range patrol aircraft, anim na close-air support aircraft, mga radar system, at iba pang kagamitang magpapaunlad sa inyong kakayahan.”

“Sa susunod na taon naman, inaasahan nating mapasakamay na ang dalawa sa 12 FA-50 lead-in fighter trainer mula sa South Korea. Target pong makumpleto ang delivery ng mga ito pagdating ng 2017.”

“Sa paglapag ng sarili nating FA-50 sa ating bakuran, muli nating magagawang ipagtanggol ang ating teritoryo sa mas epektibong paraan. Kaakibat ng lahat ng ito ang pagsigurong hindi kailanman mawawala ang kakayahan nating magpalipad ng mga fighter jet, at magpatupad ng nararapat na command and control structure para sa mga operasyon nito.”

“Dahil sa inyong pakikiambag, posible na tayong humakbang tungo sa mas matatayog na pangarap. Hindi na imposibleng magkaroon tayo ng makabagong fighter jets at mga kagamitan, at tingalain muli bilang modernong Sandatahan. Hindi na imposibleng magkaroon ng pamahalaan na totoong nagpapahalaga sa mga nagmamalasakit sa bayan. Nakakamit natin ang bawat tagumpay dahil pinili nating tahakin ang tuwid na daan tungo sa kapayapaan at higit na kaunlaran.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.